LOOK: Jalad, nagpaalala sa mga manonood ng Pacquiao-Broner fight ukol sa Bagyong Amang

By Chona Yu January 20, 2019 - 01:29 PM

Dahil sa pananalasa ng Bagyong Amang sa ilang lugar sa Visayas at Mindanao regions, pinayuhan ni Office of Civil Defense (OCD) undersecretary Ricardo Jalad ang mga manonood sa laban ni Pambansang kamao Manny Pacquiao na maghanap na ng ligtas na lugar para hindi maistorbo sa panonood sa boksing.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Jalad na ito ay para makaiwas na rin sa mga hindi kanais-nais na insidente.

Maari aniyang magdulot ng landslide o flashflood ang Bagyong Amang sa mga lugar na mababa o hindi kaya ang mga nasa paanan ng bundok o ang mga malalapit sa dalampasigan.

Sa ngayon, wala pa namang natatanggap na ulat ang OCD ukol sa pinsala dulot ng Bagyong Amang.

TAGS: Adrien Broner, Bagyong Amang, manny pacquiao, ocd, Ricardo Jalad, Adrien Broner, Bagyong Amang, manny pacquiao, ocd, Ricardo Jalad

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.