Trump, naglatag ng bagong plano para mahinto ang gov’t shutdown sa US
Naglatag ng panibagong plano si US President Donald Trump para matuldukan na ang isang buwang partial government shutdown sa Amerika.
Isa sa mga alok ni Trump ay ang kanyang tinatawag na ‘dreamers’ o ang pagsuporta sa panukalang batas na protektahan ang mga undocumented immigrant na pumasok sa Amerika.
Pero hirit ni Trump sa democrats, kinakailangang suportahan naman ng mga mambabatas ang kanyang hiling na $5.7 billion na pondo para sa pagtatayo ng Mexico wall.
Tinatayang aabot sa 800,000 na federal workers na ang apektado sa government shutdown sa Amerika.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.