Palasyo, kinondena ang pagpatay sa dating prosecutor sa Cebu

Mariing kinondena ng Palasyo ng Malakanyang ang pamamaslang kay dating Cebu City Assistant Prosecutor Mary Ann Castro.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, may ginagawa nang imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) at ang Philippine National Police (PNP) para matukoy ang mga taong nasa likod sa pananambang kay Castro.

Partikular aniyang pinabubusisi ng Palasyo sa PNP kung mayroong lapses dahil nangyari ang insidente habang umiiral ang gun ban.

Pagtitiyak pa ni Panelo sa pamilya at mga kaibigan na naiwan ni Castro, bibigyan ng hustisya ang pagkamatay nito at mapapanagot sa batas ang mga salarin.

Read more...