Palasyo, kinondena ang pagpatay sa dating prosecutor sa Cebu

By Chona Yu January 20, 2019 - 12:35 PM

Mariing kinondena ng Palasyo ng Malakanyang ang pamamaslang kay dating Cebu City Assistant Prosecutor Mary Ann Castro.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, may ginagawa nang imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) at ang Philippine National Police (PNP) para matukoy ang mga taong nasa likod sa pananambang kay Castro.

Partikular aniyang pinabubusisi ng Palasyo sa PNP kung mayroong lapses dahil nangyari ang insidente habang umiiral ang gun ban.

Pagtitiyak pa ni Panelo sa pamilya at mga kaibigan na naiwan ni Castro, bibigyan ng hustisya ang pagkamatay nito at mapapanagot sa batas ang mga salarin.

TAGS: Mary Ann Castro, Palasyo ng Malakanyang, Sec. Salvador Panelo, Mary Ann Castro, Palasyo ng Malakanyang, Sec. Salvador Panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.