Bagyong Amang, bahagyang bumilis habang tinatahak ang Caraga region
(Updated) Bahagyang bumilis ang Bagyong Amang habang tinatahak ang Caraga region.
Sa 11:00 AM advisory ng PAGASA, Kumikilos ang bagyo sa bilis na 30 kilometers per hour sa direksyong West Northwest.
Taglay ng bagyo ang hanginng aabot sa 45 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugsong 60 kilometers per hour.
Bandang 10:00 ng umaga, huling namataan ang bagyo sa layong 165 kilometers East Northeast ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Dahil dito, nakataas pa rin ang public storm warning signal number one sa ilang lugar sa Visayas at Mindanao.
Sa Visayas region, nasa signal number one ang Eastern Samar, Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, Eastern Bohol at Northern Cebu.
Sa Mindanao naman, signal number din ang Agusan del Sur, Agusan del Norte, Surigao del Sur, Surigao del Norte, Dinagat Islands at Camiguin.
Iiral naman ang katamtaman hanggang sa malakas na pag-uln sa Caraga, Northern Mindanao, Eastern Visayas, Davao Oriental, Compostela Valley, Catanduanes, Albay, Sorsogon, Masbate, Northern Negros Provinces, Northern Cebu at Bohol.
Ayon pa sa weather bureau, inaasahang tatama ang bagyo sa Surigao del Norte mainland – Siargao Islands sa Linggo ng hapon hanggang sa gabi.
Pinayuhan ang mga residente sa mga baybaying-dagat at paanan ng bundok na mag-ingat sa flashflood at landslide.
Pinagbabawalan din ng PAGASA ang mga mangingisda na pumalaot sa northern seaboard ng Northern Luzon, eastern seaboards ng Luzon, Visayas at Mindanao dahil sa malalakas na alon.
Lunes ng umaga (January 21), inaasahang nasa 35 kilometers east southeast ng Surigao city sa Surigao del Norte ang bagyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.