Manny Pacquiao, excited makaharap si Adrien Broner para depensahan ang Welterweight title

Photo grab from @mannypacquiao’s Instagram account

Nasa MGM Grand Arena Nevada na si Pambansang kamao Manny Pacquiao para sa laban kay American boxer Adrien Broner.

Kasama ni Pacquiao ang kanyang misis na si Jinkee Pacquiao at dating PNP chief Ronald “Bato” Dela Rosa.

Ayon kay Pacquiao, excited na siya sa laban kay Broner.

Bago ang laban, nakuha pa ni Pacquiao na mag-post sa kanyang Instagram account kung saan pinasalamatan nito ang kanyang mga fans dahil sa patuloy na pagsuporta.

Nagpasalamat din si Pacquiao sa mga nanalangin sa kanya.

Read more...