Mahinang signal, nagpabagal sa transmission ng resulta ng mock polls sa Bohol
Naging mabagal ang transmission ng resulta ng mock elections bilang paghahanda sa halalan sa Mayo.
Sa Bohol, sinabi ng local Commission on Elections (Comelec) na naging mahina ang phone signal.
Ginawa ang mock elections sa lalawigan sa tig 2 barangay sa mga bayan ng Cortes at Alburquerque.
Ayon sa provincial Comelec officer, alas 4:05 Sabado ng hapon ay 100 percent na na-transmit ang vote counting machines (VCMs) na ginamit sa mock elections.
Layon ng hakban na ma-account ang lahat ng mga boto para sa 2019 mid-term elections.
Sa mock elections ay nasuri ang automated voting machines, ang transmittal ng mga boto at resulta sa canvassers sa head office gayundin ang bagong Voter Registration Verification System.
Sa mock elections kahapon, ang mga boto sa clustered precincts ay na-transmit sa 3 servers, sa Comelec Central Server, Transparency Server at National Board of Canvassers (NBOC).
Pero sa mock canvassing, ang transmission sa Comelec Central Server at Transparency Server ay natapos ng 1 oras na maaga kaysa sa transmission sa NBOC.
Sinabi ni Election officer Christopher Peralta ng Alburquerque Comelec office na walang naging problema sa botohan at tanging problema lamang ay ang mahinang signal sa transmission ng mga boto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.