21 patay, 71 sugatan sa pagsabog ng oil pipeline sa Mexico
Nagresulta sa malaking sunog ang pagsabog ng oil pipeline sa Mexico na ikinasawi ng 21 katao at ikinasugat ng 71 iba pa.
Nangyari ang pagsabog tatlong linggo matapos maglunsad si President Andres Manuel Lopez Obrador ng opensiba laban sa mga na nagnanakaw ng langis sa mga pipeline na umabot na sa mahigit 12,000 sa unang 10 buwan ng 2018 o average na 42 pagnanakaw kada araw.
Ayon sa otoridad, sa kabila ng malaking apoy ay ilang katao ang kumuha ng natapong langis gamit lamang ang mga plastic jugs, bucket at garbage can.
Sa ulat ng oil company na Petroleos Mexicanos o Pemex, ang tagas ay dahil sa iligal na pipeline sa isang maliit na bayan sa Hilagang Mexico.
Sa ilang video ay mapapanood ang mga tao na nangongolekta ng tumagas na langis pagkatapos ay ang paglaki ng apoy at takbuhan ng nasunog na mga biktima.
Dahil sa insidente ay nanawagan ang mga otoridad sa mga tao na huwag maging kasabwat ng mga magnanakaw ng langis mula sa mga pipeline.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.