Hinihinalang bomba, natagpuan sa Sultan Kudarat

By Angellic Jordan January 19, 2019 - 07:32 PM

Google Maps

Natagpuan ang isang hinihinalang bomba sa Sultan Kudarat, Maguindanao Sabado ng umaga.

Ayon sa mga otoridad, namataan ang umano’y bomba sa gilid ng kalsada sa bahagi ng Barangay Macaguiling.

Isang residente ang nagbigay ng impormasyon sa pulis at militar.

Nakalagay ito sa isang bote na nakabalot ng packaging tape na may pulang strip sa ibabaw nito.

Sa ngayon, pansamantalang isinara sa mga motorista ang lugar habang hinihintay ang Explosives Ordnance Division (EOD).

TAGS: Barangay Macaguiling, bomba, Explosives Ordnance Division, sultan kudarat, Barangay Macaguiling, bomba, Explosives Ordnance Division, sultan kudarat

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.