Mga labi ng mag-asawang Pinoy na nalunod sa Maldives, nasa bansa na

By Len Montaño January 19, 2019 - 05:47 PM

Photo from the Facebook account of LEOMER Lagradilla

Naiuwi na sa Pilipinas ang mga labi ng mag-asawang Pilipino na nalunod habang nasa honeymoon sa Maldives.

Ang mga labi nina Leomer at Erika Joyce Lagradilla ay sakay ng Etihad Airways flight EY 424 na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dakong 3:21 Sabado ng hapon.

Sumalubong sa NAIA ang mga magulang ng mag-asawa at mga opisyal ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Ikinasal sina Leomer at Erika Joyce noong December 2018 at pumunta sa Maldives para mag-honeymoon pero nalunod umano habang nag-snorkling.

Dating nagtrabaho si Leoner sa Jeddah habang si Erika ay sa Singapore.

Ayon sa pamilya Lagradilla, dadalhin ang mga labi ni Leomer sa Lumban, Laguna para sa burol habang si Erika ay sa bayan ng Sta. Cruz ang burol.

Nakatakdang ilibing ang mag-asawa sa January 26, 2019.

TAGS: Erika Joyce Lagradilla, Leomer Lagradilla, MAldives, NAIA, Erika Joyce Lagradilla, Leomer Lagradilla, MAldives, NAIA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.