Prince Philip, walang nakaka-alarmang injury matapos maaksidente

AP photo

Pumunta sa ospital si Prince Philip para sa “precautionary check-up” matapos mabangga ang minamaneho nitong Land Rover.

Ayon sa tagapagsalita ng Buckingham Palace, sa payo ng doktor ay bumisita ang Duke of Edinburgh sa Queen Elizabeth hospital.

Matapos ang check-up ay nakumpirma na walang injury ang prinsipe na dapat ipag-alala.

Unang sinabi ng Buckingham Palace na hindi na-injured si Prince Philip sa aksidente.

Ang 97-anyos na prinsipe ay naaksidente malapit sa Sandringham Estate sa southeast ng England.

Sa ilang larawan ay makikitang tumagilid ang sasakyan at basag ang ilang bahagi nito.

Sinabi naman ng pulisya na patuloy ang imbestigasyon sa dahilan ng aksidente.

Read more...