Palasyo, nakiramay sa pagpanaw ni Sy

By Len Montaño January 19, 2019 - 05:44 PM

Nakiramay ang Malakanyang sa pamilya, kaibigan at kasama sa trabaho ng yumaong negosyante at pilantropo na si Henry Sy.

Sa pahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, kinilala ang kontribusyon ni Sy sa ekonomiya ng bansa.

Ayon kay Panelo, ginawa ni Sy na magandang karanasan sa mga Pilipino at malaking bahagi ng pamumuhay sa lungsod ang pagpunta sa mall.

Hinahangaan aniya ng bansa ang legacy ni Sy na nagmula sa matinding pagtatrabaho.

Dagdag ng Palasyo, si Sy ang patunay ng isang masipag na Pinoy at bilang ama ay hinubog nito ang kanyang mga anak sa sariling imahe na mapagkumbaba, masipag at taong may prophetic vision.

Iipinagdarasal anya ng bansa si Ginoong Sy at ang payapang paglalakbay ng kaluluwa nito sa pang-habangbuhay.

TAGS: henry sy, Palasyo ng Malakanyang, Sec. Salvador Panelo, henry sy, Palasyo ng Malakanyang, Sec. Salvador Panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.