Estrella-Pantaleon Bridge, isinara para sa 2-year reconstruction work
Inabisuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta matapos isara ang Estrella-Pantaleon Bridge, araw ng Sabado.
Isinara ang tulay na nagkukunekta sa Makati City at Mandaluyong bandang 4:00 ng madaling-araw.
Dahil dito, simula January 19, magiging one-way street na ang kahabaan ng Makati Avenue mula J. P. Rizal Avenue hanggang Sen. Gil Puyat
Avenue.
Ang mga sasakyang papunta sa Rockwell bridge ay kailangang kumanan sa P. Burgos Street patungong J. P. Rizal Avenue- Makati Avenue intersection at kumanan sa tulay.
Samantala, ang mga kakaliwa sa Sen. Gil Puyat Avenue papuntang Salcedo Village ay dadaan naman sa Zuellig Loop.
Sa mga motoristang papuntang Makati Central Business District, kailangang kumanan sa J.P. Rizal Avenue, kaliwa sa N. Garcia Street, kumanan sa Sen. Gil Puyat Avenue at kumaliwa sa Ayala Avenue.
Layon ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na palawakin mula sa dalawang lane sa apat na lane ang tulay.
Tatagal ng dalawang taon ang isasagawang reconstruction work sa Rockwell bridge.
Dahil dito, pinayuhan ang mga motorista na maglaan ng mas mahabang oras sa pagbiyahe.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.