Sinabi ng PAGASA na ang low pressure area na nasa loob na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ay posibleng maging tropical depression sa susunod na 36 oras.
Tatawagin itong “Amang” oras na maging ganap na bagyo.
Sabado ng hapon ay nagdudulot na ng katamtaman hanggang malakas na ulan sa Caraga Region, Davao Oriental, Compostela Valley at Misamis Oriental ang LPA.
Malamang na mag-landfall ang LPA sa Surigao del Norte, Linggo ng gabi, kasabay ng pag-develop nito bilang tropical depression.
Pero sinabi ng PAGASA na agad hihina ang sama ng panahon matapos tumama sa kalupaan ng Surigao del Norte.
READ NEXT
Kidapawan bishop, ilang indibidwal nagmartsa para ipagdasal ang mapayapang BOL plebiscite sa Lunes
MOST READ
LATEST STORIES