Kasal bawal pa rin sa Boracay

By Jimmy Tamayo January 19, 2019 - 11:44 AM

Inquirer file photo

Kinokonsidera na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na buksan na rin sa publiko ang Bulabog Beach sa Boracay Island.

Sinabi ni Environment Secretary Roy Cimatu na bumaba na ang coliform level sa silangang bahagi ng isla kung saan ginagawa ang mga kiteboarding at windsurfing activities.

Kasabay nito, binigyang diin ni Cimatu na ipinagbabawal pa rin ang pagdaraos ng ilang mga aktibidad sa Boracay gaya ng kasal.

Pinapayagan naman ang mga photo shoots sa beach pero mahigpit na ipinagbabawal ang pagsusuot ng sapatos.

Plano din ng DENR na kumuha ng general manager para mamahala ng tourism operations sa isla.

Kamakailan ay isinara ang Boracay Island sa loob ng anim na buwan para isailalim sa rehabilitasyon dahil sa mataas na coliform sa karagatan.

TAGS: boracay, bulabog beach, BUsiness, cimatu, coliform, DENR, boracay, bulabog beach, BUsiness, cimatu, coliform, DENR

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.