Hindi na papayagan ng Commission on Elections (Comelec) ang anumang kampanya para sa plebisito ng Bangsamoro Organic Law sa Linggo January 20.
Ngayong araw matatapos ang campaign period para sa plebisito ng BOL na gaganapin sa Lunes, January 21.
Papayagan naman ang pagkampanya ng ibang grupo sa labas ng ARMM kung saan nakatakda sa February 6 ang second leg ng BOL plebiscite.
Kung magtatagumpay at magkakaroon ng positibong resulta sa Lunes ay magsasagawa ang Comelec ng ikalawang plebisito sa 28 barangays sa North Cotabato na nasa labas ng ARMM.
Ang Bangsamoro Organic Law ang lilikha sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na magiging kapalit ng ARMM.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.