Timbang nina Pacquiao at Broner pasok sa ginanap na final weigh-in

By Den Macaranas January 19, 2019 - 08:47 AM

AP photo

Kapwa pasok sa timbang na 147-lb limit para sa welterweight division sina WBA welterweight champion Sen. Manny Pacquiao at ang American challenger na si Adrien Broner.

Si Pacquiao ay may timbang na 146 lbs samantalang 146.5 naman si Broner.

Nakatakdang idepensa ni Pacquaio ang kanyang championship belt bukas sa kanilang laban na gaganapin sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas.

Sa ginanap na Final Weigh-in kanina ay dagsa ang mga tagahanga ng pambansang kamao sa MGM Garden Arena na nagsabing tiwala sila na kayang talunin ni Pacman ang kanyang kalaban via knock-out.

Tumanggi naman si Pacquiao na kumpirmahin kung tuloy na ngayong taon ang paghaharap nila ni Floyd Mayweather Jr.

Sinabi ng pambansang kamao na naka-focus ang kanyang atensyon sa kasalukuyan sa laban nila ni Broner.

TAGS: broner, mgm, Pacquiao, welterwight division, broner, mgm, Pacquiao, welterwight division

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.