Neurologist kinasuhan ng Philhealth dahil sa bogus medical bills

By Den Macaranas January 19, 2019 - 08:29 AM

Inquirer file photo

Sangkatutak na kaso ang isinampa ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) laban sa isang neurologist sa South Cotabato dahil sa paniningil ng bogus medical bills gamit ang account ng ilang Philhealth members.

Sinabi ni Philhealth vice president for corporate affairs Shirley Domingo na iniimbestigahan na rin nila kung posibleng may kasangkot sa kanilang tanggapan ang nasabing duktor.

Umaabot sa 21 kaso ng misrepresentation and breach of warranties of accreditation and performance commitment ang isinampa ng Philhealth laban kay Dr. Dennis Menguita.

Naniniwala ang opisyal na may mga kasangkot pa na ilang Philhealth officials sa nasabing anumalya kaugnay sa pamemeke ng ilang dokumento ng ahensya.

Kung nangyari ito sa nasabing lugar, sinabi ni Domingo na pwede rin itong gawin ng iba pang mga duktor kaya sisilipin nila ng husto ang kanilang mga records.

Nauna nang lumutang ang pangalan ni Dr. Menguita sa isinagawang deliberasyon ng Senado sa budget ng Department of Health.

TAGS: bigus medical bills, dr. menguita, neurologist, philhealth, South Cotabato, bigus medical bills, dr. menguita, neurologist, philhealth, South Cotabato

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.