Mock elections para sa May 13 polls, isasagawa na ngayong araw

Inquirer file photo

Magaganap na ngayong araw ang ikinasang mock elections ng Commission on Elections (Comelec) bilang bahagi ng paghahanda para sa May 13 midterm elections.

Mamayang alas-singko ng umaga magsisimula ang mock elections at tatagal hanggang alas-una ng hapon.

Ang mga lugar na pagdarausan ng mock elections ay ang mga sumusunod:

Sa Luzon:
– Alaminos City, Pangasinan
– Dagupan City, Pangasinan
– Tuguegarao City, Cagayan
– Aparri, Cagayan

Sa Metro Manila:
– Quezon City (1st at 2nd districts)
– Manila (5th district)
– Pasig (2nd district)
– Taguig (1st district)
– Pateros (1st district)
– Valenzuela (1st district)
– Muntinlupa City

Sa Visayas:
– Cebu City (1st district)
– Santander, Cebu
– Alburquerque, Bohol
– Cortes, Bohol

Sa Mindanao:
– Dapitan City, Zamboanga del Norte
– Sergio Osmeña Sr., Zamboanga del Norte
– Digos City, Davao del Sur
– Bansalan, Davao del Sur
– General Santos City, South Cotabato
– Surallah, South Cotabato
– Jolo, Sulu
– Tongkil, Sulu
– Lamitan, Basilan
– Sumisip, Basilan

Mag-iikot naman si Comelec Spokesperon James Jimenez ngayong araw sa mock elections sa QC 1st district at Manila 5th district.

Ang mock polls sa Barangay Pinagbuhatan sa Pasig, Barangay Bahay Toro sa QC at Barangay 669 sa Maynila ay palalawigin hanggang mamayang alas-sais ng gabi dahil sa dami ng bilang ng mga botante.

Sa naturang mga baranggay ay mayroong 800 hanggang 1,000 rehistradong botante.

Read more...