Grupo ng mga estudyante sa Palawan, pinaglaruan ang fire alarm

By Rhommel Balasbas January 19, 2019 - 04:00 AM

Viral ngayon sa social media ang video ng isang grupo ng estudyante na pinaglaruan ang fire alarm sa Palawan State University.

Burado na ang orihinal na post ng video ngunit ini-reupload ito ng ilang pages at ngayon ay patuloy na kumakalat sa social media.

Makikita ang pagkakatuwaan ng magkakaibigan na makailang beses na sinubukang pindutin ang fire alarm ngunit hindi naman tumunog.

Gayunman, laking gulat na lamang nila ng tumunog na ito.

Ang isang reuploaded video ng ‘fire alarm scandal’ ng mga estudyante ay mayroon ng higit 2 million views, 40,000 reactions at nai-share na ng higit 65,000 na beses.

Hindi nagustuhan ng Palawan State University ang ginawa ng grupo at iginiit na paglabag ito sa Republic Act No. 9514 o ang Fire Code of the Philippines of 2008.

Titiyakin umano ng Pamantasan na mananagot ang mga estudyanteng sangkot sa paglalaro.

Umani rin ng batikos mula sa netizens ang video at tinawag ng karamihan na pa-‘cool kid’ ang mga estudyante.

Samantala, ayon kay Office of the Students Affairs Director Dr. Grace Abrina, ipatatawag nila ang magulang ng mga bata bago sila magpatupad ng parusa sa mga ito.

Magsasagawa na rin ng sariling imbestigasyon ang Bureau of Fire Protection o BFP sa insidente at kakausapin ang mga estudyanteng sangkot dito.

Ang sinumang gumawa ng false fire alarms ay papatawan ng P4,000 multa para sa unang paglabag sa ilalim ng RA 9514.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.