M5.0 na lindol yumanig sa Davao Occidental

Yumanig ang isang magnitude 5.0 na lindol sa karagatang sakop ng Davao Occidental ngayong alas-2:52 ng madaling araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 428 kilometro Timog-Silangan ng Sarangani.

May lalim itong 149 kilometro at tectonic ang dahilan.

Bagaman walang inaasahang pinsala sa mga ari-arian, sinabi ng Phivolcs na asahan pa ang mga kasunod pang pagyanig o aftershocks.

Read more...