43 katao arestado sa SACLEO sa Pasay

By Jong Manlapaz January 19, 2019 - 03:19 AM

Jong Manlapaz

Aabot sa 43 katao ang maimbitahan sa prisinto ng ng Pasay PNP Headquarters sa FB Harrison St. Pasay City

Ang mga ito ay naaresto sa ginawang Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO).

Kabilang sa mga naaresto ang tatlong most wanted na may mga kasong robbery at rape habang 9 na katao naman ang hinuli dahil sa bawal na gamot.

Labingpito ang nahuling umiinom sa pampublikong lugar, isa ang nahulihan ng baril, habang isa rin ang nahuling may dalang patalim.

Kabilang din sa mga nahuli ay walong barker habang apat naman ay sangkot sa illegal gambling.

Ayon kay Asst. Chief of Police P/Supt. Deanry Francisco lahat ng mga nahuli ay ihaharap sa inquest.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.