Japan nangangailangan ng 300,000 na manggagawa

By Len Montaño January 19, 2019 - 12:54 AM SHARE(S):

Nangangailangan ang Japan ng mahigit 300,000 na foreign workers na magtatrabaho sa 14 na industriya sa bansa.

Kasabay nito ay maglulunsad ang Japan ng employment track sa Abril kung saan magkakaroon ng pagkakataon ang manggagawa na dalhin ang kanyang pamilya at maging immigrants sila.

Nagpulong ang mga opisyal ng Japan at Philippine Overseas Employment Administration (POEA) para sa bagong employment track na “specified skilled worker visa.”

Sinabi ng ahensya na ang track ay iba sa Technical Internship Training Program (TITP) kung saan magiging trainee ang isang aplikante.

Sa ilalim ng TITP, 5 taon ang kontrata at hindi pwedend mag-renew o mag-apply uli matapos ang internship.

Pero sa bagong visa, paliwanag ni POEA administrator Bernard Olalia, pwedeng maging full time worker ang TITP workers.

Dapat lamang ipasa ang requirements na language proficiency exam at skills test.

Kabilang sa mga industriya sa Japan na kailangan ng foreign workers ay may kinalaman sa pagkain, construction, agrikultura, at sasakyan gaya ng kotse at barko.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.