Signal ng Smart, puputulin sa ilang lugar sa Cebu City para sa Sinulog Festival

By Len Montaño January 19, 2019 - 12:52 AM SHARE(S):

Pansamantalang mawawala ang signal ng Smart Communications Inc. sa ilang lugar sa Cebu City kasabay ng Sinulog Festival alinsunod sa utos ng National Telecommunications Commission (NTC).

Mawawala ang signal ng Smart, TNT at Sun sa ilang piling lugar sa Cebu City at kalapit na mga bayan simula ngayong umaga (Sabado, Jan 19).

Nakasaad sa advisory ng Smart na maski ilang lugar sa labas ng Cebu City ay apektado ng shutdown.

Ang shutdown ng Smart signal ay hanggang sa Linggo January 20.

TAGS: cebu, Sinulog, Sinulog 2019, Sinulog Festival 2019, Viva Sto. Niño, cebu, Sinulog, Sinulog 2019, Sinulog Festival 2019, Viva Sto. Niño

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.