Mga labi ng mag-asawang Pinoy na nasawi sa Maldives, darating na sa Pilipinas

By Isa AvendaƱo-Umali January 19, 2019 - 12:22 AM SHARE(S):

Darating na sa Pilipinas ngayong Sabado (January 19) ang mga labi ng mag-asawang Pilipino na nasawi habang nasa honeymoon sa Maldives.

Sa isang abiso, ang mga bangkay nina Leomer at Erika Lagradilla ay makakarating sa PAIR PAGGS Cargo House, sa may Terminal 1 ng Ninoy Aquino International Airport o NAIA, dakong 3:30 ng hapon.

Nauna nang inilipad ang kanilang mga labi sakay ng Ethihad Airways flight EY 424.

Noong December 18, 2018 ay ikinasal sina Leomer at Erika, na parehong taga-Laguna at mga nurse sa abroad.

Naghoneymoon sila sa Maldives, pero nauwi ito sa trahedya matapos na kapwa malunod habang nasa snorkeling activity.

Ang Ministry of Tourism ng Maldives ang sumagot sa repatriation ng mga labi ng mag-asawa, ayon sa Department of Foreign Affairs o DFA.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.