LOOK: Iza, Karylle, Diana at Sunshine, nagreunion para sa “Mystified”

By Isa Avendaño-Umali January 18, 2019 - 11:11 PM

Matapos ang ilang taon, nagreunion para sa isang proyekto ang tinaguriang mga “Sanggre” na sina Iza Calzado, Karylle, Diana Zubiri at Sunshine Dizon.

Matatandaan na nagsama-sama ang apat sa Encantadia ng GMA-7.

Inilabas na sa social media ang teaser trailer ng kanilang iFlix movie na may pamagat na “Mystified,” isang action-fantasy film.

At ang direktor ng bago nilang pelikula ay ang mismong nag-direk ng Encantadia na si Mark Reyes.

Ang kanilang fans, super-excited na mapanuod ang iFlix movie nina Iza, Karylle, Diana at Sunshine.

At kahit kanilang showbiz friends, nagpaabot ng pagbati sa apat.

Ayon sa iFlix, sa March 2019 ipapalabas ang Mystified.

TAGS: Diana Zubiri, Iza Calzado, Karylle, Mystified, Sunshine Dizon, Diana Zubiri, Iza Calzado, Karylle, Mystified, Sunshine Dizon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.