4th tranche ng dagdag-sahod para sa mga kawani ng LGU at GOCC, pinayagan ni Diokno

By Len Montaño January 18, 2019 - 06:09 PM

Pinayagan ni Budget Secretary Benjamin Diokno na maipalabas ang fourth tranche ng salary increase ng mga kawani ng gobyerno.

Gayunman, sakop lamang ng kautusan ang mga kawani ng lokal na pamahalaan (LGU) at government owned and controlled corporation (GOCC).

Dalawang circulars ang inilabas ni Diokno na nag-uutos sa mga lokal na pamahalaan at GOCCs na ilabas na ang ika-apat na bugso ng dagdag-sweldo ng kanilang mga empleyado sa ilalim ng salary standardization law.

Sa anunsyo ni House Majority Leader Rolando Andaya, sinabi nitong sa wakas ay natauhan na si Diokno na ibigay na ang umento sa sahod ng mga nagtatrabaho sa gobyerno.

Na-realize na anya ni Diokno na kailangan na nitong ipatupad ang batas ukol sa salary increase ng government employees kahit sa ilalim ng reenacted budget.

Ang DBM circulars na Local Budget Circular No. 118 at Corporate Budget Circular No. 23 ay parehong pinirmahan ni Diokno noong Martes at ang effectivity date ay noong January 1.

Ayon kay Andaya, ang paglalabas ng kalihim ng circular ay nangangahulugan lamang na tama ang kanyang sinasabi.

Una nang sinabi ng kongresista na pwedeng iutos ng DM ang paglalabas ng pondo para sa dagdag sweldo kahit hindi pa naaprubahan ang 2019 national budget.

TAGS: DBM, government workers, salary hike, DBM, government workers, salary hike

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.