Inflation sa huling tatlong buwan ng 2018 bumagal – BSP

By Dona Dominguez-Cargullo January 18, 2019 - 05:21 PM

Bumagal ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at bayad sa mga serbisyo sa ikaapat na kwarter ng 2018.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), naitala ang 5.9 percent na inflation sa huling bahagi ng nakaraang taon.

Mas mabagal ito kumpara sa 6.2 percent sa ikatlong kwarter ng 2018.

Ang pagbaba ng inflation ay inanunsyo ni BSP Director Dennis Lapid sa 4th quarter 2018 inflation report briefing.

Nag-settle aniya ang average inflation ng mas mataas sa 2018 inflation target range pero bumagal ito sa 4th quarter ng nakaraang taon.

Dahil dito, ang full year average inflation rate ay nasa 5.2 percent na mas mataas sa national government target range.

Sinabi naman ni BSP Assistant Governor Francisco Dakila Jr. Na ang mababang inflation ay dahil sa pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo sa world market, globalization ng food supply at pag-stable ng exchange rate gaya ng halaga ng piso kontra dolyar.

TAGS: Bangko Sentral ng Pilipinas, BUsiness, Inflation, Radyo Inquirer, Bangko Sentral ng Pilipinas, BUsiness, Inflation, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.