North Korean general bumisita sa Washington
By Dona Dominguez-Cargullo January 18, 2019 - 05:09 PM
Nasa Washington ang isa sa top negotiators ng North Korea para makipagpulong sa mga opisyal ng Estados Unidos hinggil sa pinaplantsang ikalawang summit sa pagitan nina Kim Jong-un at US President Donald Trump.
Bitbit ni North Korean General Kim Yong-chol ang liham ni Kim para kay U.S. Pres. Donald Trump.
Makikipagkita si chol kay US Secretary of State Mike Pompeo.
May mga spekulasyon na Vietnam magaganap ang ikalawang summit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.