Nagsagawa ang Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ng sorpresang drug test sa kanilang mga tauhan.
Aabot sa 516 personnel, kabilang na ang 17 regional directors, ang sumalang sa mandatory drug test na nangyari ngayong Biyernes sa PDEA headquarters sa Quezon City
Ayon kay PDEA Director General Aaroon Aquino, layon nito na malaman at matiyak na hindi gumagamit ng ilegal na droga ang mga nasa kanilang bakuran.
Bago ito, namahagi muna ang PDEA ng mga armas at protective equipment sa kanilang operating units at regional offices.
Sinabi ni Aquino na nagkakahalaga ng P79.5 million ang firearms at equipment gaya ng .45 pistols, bulletproof vests, at tactical protective shields.
Gagamitin aniya ang mga ito sa operational capacity at capability enhancement program ng pamahalaan laban sa pagkalat ng ilegal na droga sa buong bansa.