DOTr binalaan ang mga empleyadong gumagamit ng ID ng ahensya para maka-discount sa pamasahe
Binalaan ng Department of Transportation (DOTr) ang mga tauhan nitong ginagamit ang kanilang posisyon sa gobyerno para maka-discount sa pamasahe.
Sa abiso na inilabas ng DOTr, sinabi nitong hindi nila kukunsintihin ang mga empleyado ng DOTr na nagde-demand ng diskwento sa pamasahe sa mga pampublikong sasakyan.
Sinabi ng DOTr na mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng ID ng kanilang mga tauhana t mga empleyado sa kanilang attached agencys para maka-avail lamang ng discount sa PUVs.
Kasabay nito, nagbabala ang DOTr sa mga empleyado na maari silang mapatawan ng parusa at makasulan sa ilalim ng Civil Service Laws and Rules kapag may nakarating na sumbong sa DOTr na inaabuso nila ang pagiging empleyado ng kagawaran.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.