Dating opisyal ng Taiwan government naaresto sa Subic

Inaresto ng pinagsanib na pwersa ng mga otoridad mula Pilipinas at Taiwan ang isang dating government official ng Taiwan na matagal nang wanted doon.

Si Wu Chien Pao ay apat na taon nang pinaghahanap ng Taipei authorities.

Siya ay dating speaker ng Tainan County Council at nadakip sa operasyon sa Subic Bay Freeport Zone sa Zambales.

Wanted mula pa noong 2014 ang dayuhan at nagtago ito sa Pilipinas matapos masangkot sa baseball match fixing.

Paso na din ang hawak nitong passport noon pang April 2017.

Dinala muna sa BI detention facility sa Camp Bagong Diwa ang dayuhan habang ipinoproseso ang deportation sa kaniya.

Read more...