Mga motorista pinaalalahanan sa pagsasara ng Estrella-Pantaleon Bridge simula bukas, Jan. 19

By Dona Dominguez-Cargullo January 18, 2019 - 03:25 PM

Pinaalalahanan ng Inter Agency Council on Traffi (I-ACT) ang mga motorista na simula bukas ay sarado na sa mga motorista ang Estrella-Pantaleon Bridge.

Ang nasabing tulay ang nagdudugtong sa Barangka Drive, Mandaluyong at sa Rockwell sa Makati.

Gigibain ang tulay para makapagtayo ng bago at mas malapad na tulay na tatagal ng 30-buwan.

Narito ang mga alternatibong ruta na maaring magamit ng mga motorista ayon sa I-ACT:

– Ang mga sasakyang galing sa Mandaluyong, San Juan, at Quezon City ay maaring gumamit ng Mabuhay Lane, kanan sa Pantaleon, patungong Coronado patungo sa Makati – Mandaluyong Bridge

– Ang mga sasakyang galing Maysilo at San Francisco ay maaring dumeretso sa Coronado patungo sa Makati – Mandaluyong Bridge

– Ang mga sasakyan na galing Mandaluyong at papunta sa Makati Business Center ay maaring mag EDSA na lamang patungo ng Guadalupe Cloverleaf patungong J.P. Rizal Avenue Extension, kaliwa ng Estrella

– Ang mga sasakyan na galing sa TIVOLI Garden Residences ay sa back gate dadaan gamit ang Private Road sa Sen. N. Gonzales Road

– Ang mga galing Makati Avenue ay dadaan sa P. Burgos, patungo sa Makati – Mandaluyong Bridge, Coronado at San Francisco

– Ang mga galing Rockwell naman ay maaring dumaan sa Estrella, kanan sa Gumamela St., kaliwa sa Camia St. patugong J.P Rizal

– Ang mga PUJ naman at tricycle ay dadaan sa Sen. N. Gonzales Road

TAGS: estrella pantaleon bridge closure, january 19, Radyo Inquirer, Traffic Advisory, estrella pantaleon bridge closure, january 19, Radyo Inquirer, Traffic Advisory

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.