LOOK: Ilang flights kanselado ngayong araw dahil sa sama ng panahon

MIAA photo

Ilang biyahe na ang kanselado ngayong araw sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa masamang panahon.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA) kanselado ang sumusunod na mga biyahe mula at pabalik ng NAIA terminal 3:

Cebu Pacific Air
• 5J 504/505 Manila-Tuguegarao-Manila
• 5J 506/507 Manila-Tuguegarao-Manila

Ito ay dahil sa hindi magandang panahon na nararanasan sa Tuguegarao.

Ang mga apektadong pasahero ay maaring makipag-ugnayan sa airline company para sa rebooking ng kanilang flight o refund ng pamasahe.

Read more...