Biyahe ng MRT-3 nagka-aberya; 700 pasahero ang naapektuhan
Nagka-aberya ang biyahe ng Metro Rail Transit (MRT-3) kaninang (Jan. 18) ala 1:29 ng hapon.
Ayon sa pamunuan ng MRT-3, 700 pasahero ng isa nilang tren ang pinababa sa bahagi ng Boni station southbound.
Ito ay makaraang makaranas ng electrical failure ang tren.
Agad namang napasakay sa kasunod na tren ang mga naapektuhang pasahero na dumating makalipas ang 8-minuto.
Ayon sa MRT-3, karaniwang sanhi ng electrical failure sa motor ay ang mga luma nang electrical sub-components.
Humingi naman ng paumanhin ang MRT-3 sa mga naabang pasahero.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.