Filipino pilgrims na magtutungo sa Panama by land para sa World Youth Day kailangang mag-rehistro online – DFA
Nagtakda na ng petsa para sa online registration sa mga Filipino pilgrims na magtutungo sa Panama para dumalo sa World Youth Day.
Sa abiso ng Department of Foreign Affairs (DFA), mayroong mula January 22 hanggang January 27 ang mga Filipino pilgrims na bibiyahe by land para mag-register online.
Ayon sa National Migration Service (SNM) ng Panama, ang mga Filipino pilgrim ay kailangang makumpleto ang registration process sa pamamagitan ng pagbisita sa SNM website na www.migracion.gob.pa
Matapos ito, kailangang i-click ang “Land Entry JMJ-(SICA)”.
Sa pagrerehistro online, bawat pilgrim na bibiyahe by land ay makikinabang sa Migratory Protocol sa ilalim ng Central American Integration System (SICA) Framework.
Ang mga magmamaneho naman ng mga sasakyang may vehicular accreditation ay dapat ding dumaan sa parehong proseso ng online registration para makatawid sa border.
Paalala ng DFA, ang online registration ay para lamang sa mga bibiyahe by land.
Ang mga participant na darating sa Panamanian territory by air ay hindi na kailangang magparehistro online.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.