MP Nurul Anwar, dumepensa sa pakikipagkita sa anak ng Sabah siege leader

 

jacel kiram-nurul anwar
Mula sa FB/Princess Jacel H. Kiram-Hasan

Dinepensahan ni MP Nurul Izzah Anwar ang pakikipagkita nito kay Princess Jacel Kiram, anak ng self-proclaimed sultan ng Sulu na nag-utos na salakayin ang Lahad Datu, sa Sabah noong February 2013.

Nagpaliwanag si Nurul Anwar makaraang umani ng batikos ang paglutang ng kanyang larawan at ni Kiram, na anak ni Sultan Jamalul Kiram III na pasimuno ng Lahad Datu siege.

Ayon kay Anwar, nagtungo siya sa Pilipinas nitong nakalipas na November 9 upang makipagkita sa ilang mga political stakeholders sa bansa.

Sa pagpupulong aniya, kanyang iginiit ang suporta ng gobyerno ng Malaysia sa mga isinusulong na peace initiatives sa Mindanao.

Sa kabila nito, buo rin aniya ang kanyang suporta sa soberenya ng Sabah bilang bahagi ng Malaysian federation.

Bukod kay Jacel Kiram, nakadayalogo rin ni Nurul sina dating Batangas governor at Congressman Hermilando Mandanas, Representative Regina Reyes and Silvestre Bello, Dean of Law Amado Valdez, dating Cabinet member Romulo Neri, dating Undersecretary of Justice Wencie Andanar and staff members ng Office of the Vice President at Mayor ng Maynila.

Pinamunuan aniya ng Council on Philippine Affairs o COPA, Asian Institute for Democracy, Office of the City Mayor of Manila at office of the Vice-President of the Philippines ang naturang pagpupulong.

Read more...