Ayon kay Pagasa Senior Weather Specialist Jun Galang, huling namataan ang LPA sa 1,390 kilometers East ng Hinatuan Surigao Del Sur.
Papasok sa bansa ang bagyo bukas, araw ng Sabado at sa susunod na 24 na oras ay maaring maging isa itong ganap na bagyo.
Papangalan itong bagyong Amang at ito ang magiging unang bagyo para sa taong 2019.
Tinutumbok ng LPA ang Caraga Region at Eastern Visayas.
Sa Linggo, January 20 ay tatama sa kalupaan ang LPA bilang bagyong Amang na, pero hihina at magiging isang LPA na lang muli.
Dahil dito, ngayon pa lamang ay inaabisuhan na ng Pagasa ang mga residente sa Caraga at Eastern Visayas na maging handa sa nasabing bagyo.