Madonna naghahanda para bagong world tour

By Jimmy Tamayo January 18, 2019 - 11:17 AM

AP Photo

Sa kabila ng kanyang idad, magbabalik sa concert scene ang Queep of Pop na si Madonna.

Ayon sa report ng pahayagang The Sun nabatid na naghahanda na ang singer para sa world tour na aarangkada ngayong 2019.

Kasabay ng kanyang concert ay nakatakda ding ilabas ang pang-14 na album ng singer.

Tatlong taon na nagpahinga sa concert si Madonna at pinaka-huli niya ay ang Rebel Heart Tour noong 2015 na kumita ng £120-milyon.

Oktubre 2018 ay nauna nang inanunsyo ni Madonna na tinatapos na niya ang bago niyang album kasunod ng paglalabas ng kanyang MDNA Skin beauty product.

Ayon pa sa malapit sa singer bagamat 60-anyos na ang Queen of Pop tinitiyak nito na isang magarbong concert ang inihahanda nito para sa kanyang mga fans na tatampukan ng mga bonggang costumes at mga agaw eksenang “Army of Mancers.”

TAGS: concerts, Madonna, World TOur, concerts, Madonna, World TOur

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.