2 Chinese nationals na dinukot sa Pasay City, nakalaya na
Nakalaya na ang dalawang Chinese nationals na dinukot kamakailan ng kapwa nila Chinese sa Pasay City.
Base sa imbestigasyon, sina Faquiang Guo, 46 anyos at Fangmei Zhu, 50 anyos ay sakay ng isang van kasama ang tatlong iba pa patungong Parañaque nang sila ay harangin ng mga armadong lalaki sa bahagi ng Atang Dela Rama Street sa Pasay.
Pero dalawang araw matapos dukutin pinalaya din ang mga dayuhan noong Jan. 16 ala 1:30 ng hapon ayon sa Southern Police District.
Ayon sa SPD, nasa ospital ngayon si Zhu at ginagamot matapos magtamo ng mga sugat sa katawan.
Habang stable naman ang kondisyon ni Guo.
Si Guo ang nagsabi sa mga otoridad na grupo ng mga Chinese nationals ang dumukot sa kanila.
Ayon kay Pasay City Police chief Sr. Supt. Noel Flores, inaalam pa nila kung nagkabayaran ng ransom sa paglaya ng mga biktima.
Nakikipag-ugnayan na rin ang SPD sa Anti-Kidnapping Group ng Philippine National Police sa Camp Crame hinggil sa insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.