OCD-Cordillera pinayuhan ang mga residente at turista na maging handa at maingat sa malamig na panahon
Dahil sa pagbaba ng temperatura sa Baguio City pinayuhan ng Office of the Civil Defense – Cordillera ang mga residente at turista na maging handa at maingat sa malamig na panahon.
Sa abiso ng OCD-Cordillera, pinayuhan ang mga turista at mga residente na magsuot ng makakapal na damit.
Makatutulong din ang pagsusuot ng hat, at gwantes, at paggamit ng scarf.
Kung sobrang lamig naman ng panahon, sinabi ng OCD na dapat iwasan ang pagkakaroon ng expose na bahagi ng katawan.
Ang naturang abiso ay inilabas ng OCD sa Cordillera para maiwasan ang pagkakasakit ng mga residente dulot ng malamig na panahon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.