Tatlo patay, 1 sugatan sa shooting incident sa Laguna

By Dona Dominguez-Cargullo January 18, 2019 - 09:46 AM

Police banner
Patay ang tatlong katao kabilang ang isang hinihinalang drug trafficker sa magkahiwalay na insidente sa Laguna sa nakalipas na magamag.

Sa bayan ng Lumban, nasawi ang hinihinalang drug trafficker na si Jeremy Villegas sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Maytalang 1.

Ayon kay Laguna police director Sr. Supt. Eleazar Matta si Villegas ang number 5 sa listahan ng high-value target ng pulisya sa lalawigan.

Miyembro din si Villegas ng Papera-Rana Group na sangkot sa drug trafficking at gunrunning.

Nakuha mula kay Villegas ang kalibre 45 na baril na ginamit niya laban sa mga pulis nang siya ay aarestuhin.

Sa Calamba City naman, nasawi ang suspek na kinilalang si Mauro Sandoval Jr., na residente ng Victoria, Laguna.

Sinabi ni Matta, rumesponde ang mga pulis makaraang makarinig ng putok ng baril sa Brgy. Parian.

Nang dumating sila sa lugar, natagpuang may tama ng bala ng baril ang dalawnag katao na kinilalang sina Lyza Cunanan, 39 at Bryan Alcasabas, 32 anyos.

Si Sandoval umano ang bumaril sa dalawa.

Nasawi si Cunanan habang ginagamot sa ospital si Alcasabas.

TAGS: laguna, police operations, Radyo Inquirer, Shooting Incident, laguna, police operations, Radyo Inquirer, Shooting Incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.