30 sasakyan, huli sa maghapong operasyon ng I-ACT
Sa maghapon operasyon kahapon, araw ng Huwebes (Jan. 17), umabot sa 30 sasakyan ang nahuli ng inter-agency council on traffic o I-ACT dahil sa iba’t ibang paglabag.
Nagsagawa ng operasyon sa maghapon ang mga tauhan ng MMDA, LTO, LTFRB at PNP-HPG.
Kabilang sa mga paglabag ay ang pag-disregard sa traffic sign, hindi paggamit ng seat belt, riders na nakasuot ng tsinelas, paglabag sa tricycle ban, walang helmet, hindi rehistradong sasakyan, walang driver’s license, walang dalang OR/CR, colorum, at obstruction.
Ayon sa I-ACT, sa mga nahuling lumabag, tatlong sasakyan ang na-impound.
Kabilang dito ang isang UV Express na bumibiyahe ng expired na ang rehistro; isang taxi na sangkot sa modus na “ulo-ulo” o naniningil ng per head sa mga pasahero at isang pribadong kotse na namamasada at naninigil din ng per head sa mga pasahero.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.