PM Trudeau tiniyak na aayusin ang problema sa basura na galing sa Canada

By Ricky Brozas November 20, 2015 - 12:36 AM

 

Mula sa inquirer.net/AP

Batid ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau ang balita hinggil sa pagtatapon ng basura ng kanilang bansa sa Pilipinas.

Ito aniya ay idadaan nila sa legislation o pagsasabatas upang hindi na maulit ang mga kahalintulad na pangyayari na hindi lamang makasisira sa reputasyon ng Canada kundi ng relasyon nila sa nagrereklamong bansa.

Kung sakali daw na mangyari ang kaparehong sitwasyon ay magkakaroon na ng kapangyarihan ang gobyerno nila para gumawa ng karampatang aksiyon laban sa mga responsable sa pagtatapon ng toxic waste sa ibang mga bansa katulad ng Pilipinas.

Sa kanyang pagsasalita sa media briefing, muli ring inulit ni Trudeau ang commitment ng kanyang bansa sa paglaban sa anumang uri ng terorismo.

Ilang araw ding naging topic ng mga Pinoy netizen si Trudeau lalo na ng mga kababaihan dahil sa daw sa kanyang artistahing mukha at tindig.

Marami rin ang nakapuna na isa siya sa mga economic leaders na madaling kausapin para sa selfie partikular na sa naganap na welcome dinner sa Mall of Asia.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.