Speaker Pelosi hinikayat si Pres. Trump na huwag ituloy ang State of the Union Address; bilang ganti, Trump kinansela ang mga foreign trips ni Pelosi

Pinasususpinde ni Speaker Nancy Pelosi ang State of the Union Address ni US President Donald Trump.

Sumulat si Pelosi kay Trump para hilingin dito na huwag ituloy ang kanyang Station of the Union Address hangga’t hindi naaayos ang kasalukuyang government shutdown.

Pwede rin ayon kay Pelosi na gawin na lang ni Trump ang pag-deliver ng Station of the Union Address sa pamamagitang ng pagsulat na ginagawa rin naman noon.

Agad namang tumugon dito si Trump at sinabihan si Pelosi na dahil may government shutdown ay hindi na matutuloy ang mga nakatakdang foreign trip ng mambabatas.

Ayon kay Trump, hindi na pwedeng gamitin ni Pelosi ang military jet sa kaniyang pagbiyahe at kung gusto nitong ituloy ang foriegn trips ay gumamit na lang ito ng commercial flights.

Nakatakda sanang magtungo si Pelosi sa Brussels, Egypt at Afghanistan.

Sinabi ni Trump na maaring gawin na lang ni Pelosi ang kaniyang foreign trips sa sandaling mag-re open na ang mga naisarang sangay ng gobyerno.

Read more...