11 arestado sa magkakahiwalay na anti-drug operations sa QC

By Dona Dominguez-Cargullo January 18, 2019 - 06:30 AM

Arestado ang 11 katao sa isinagawang magkakahiwalay na anti-illegal drug operations sa Quezon City.

Sa bahagi ng Brgy. Immaculate Concepcion, nadakip ang limang miyembro ng isang pamilya na pawang sangkot umano sa pagtutulak ng ilegal na droga.

Sa Barangay Culiat naman, isang karpintero ang naaresto na dati na ring nakulong.

Ang suspek ay kalalaya lamang sa bilangguan matapos makulong sa loob ng pitong taon dahil din sa kasong may kaugnayan sa illegal drugs.

Samantala, sa Barangay Talipapa naman, arestado ang dalawang lalaking hinihinalang tulak ng ilegal na droga.

Nakuha sa suspek ang aabot sa P25,000 halaga ng shabu at mga drug paraphernalia.

Sa Barangay Old Balara naman, arestado ang isang pahinante ng truck at dalawang construction workers matapos mahulihan ng pitong sachet ng hinihinalang shabu.

Ang mga suspek ay sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: 11 arrested, quezon city, War on drugs, 11 arrested, quezon city, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.