Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong anim na kilometro Timog-Kanluran ng Sibunag.
May lalim itong 13 kilometro at tectonic ang dahilan.
Naramdaman ang intensity II sa San Joaquin, Iloilo.
Instrumental Intensity II naman ang naitala sa La Carlota City, Negros Occidental at Instrumental Intensity I sa Bago City, Negros Occidental.
Hindi naman inaasahan ang pinsala sa mga ari-arian at aftershocks.
MOST READ
LATEST STORIES