2 patay sa engkwentro sa QC

By Isa Avendaño-Umali, Rhommel Balasbas January 18, 2019 - 04:45 AM

Dalawang katao ang patay sa naganap na engkwentro sa isang bahay sa Barangay Vasra, Quezon City.

Nangyari sa engkwentro sa pagitan ng mga pulis at dalawang lalaki sa may Pael Compound, dakong 7:30 ng gabi.

Ang mga nasawi ay sinasabing suspek sa carnapping o pagnanakaw ng motorsiklo.

Ayon kay Quezon City Police District chief directorial staff Sr. Supt. Enrico Vargas, nagpaputok ang mga suspek nang makahalatang pulis ang kanilang katransaksyon.

Bibilhin sana ng pulis na nagpanggap na poseur-buyer ang isang nakaw na motorsiklo sa halagang P15,000.

Bukod sa pagnanakaw ng motorsiklo, hinihinalang sangkot din ang dalawa sa panghoholdap.

Ito ay matapos makuha din ng mga pulis sa inuupahang bahay ng dalawang lalaki ang ilang sachet ng hinihinalang shabu.

Samantala, positibong kinilala ng isa sa mga nabiktima ng dalawa ang narekober na motorsiklo,

Nanakaw anya sa kanya ito noong Martes sa bahagi ng Broadway Centrum.

TAGS: motornap, QC encounter, Radyo Inquirer, motornap, QC encounter, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.