DTI: Consumers dapat mamili sa mga supermarket dahil mas mura ang ilang produkto

By Rhommel Balasbas January 18, 2019 - 04:28 AM

Pinayuhan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga consumers na mamili rin sa mga supermarket dahil mabibili ng mas mura doon ang ilan sa mga produkto.

Sa panayam ng media, sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez na mabibili sa mga supermarket ang nasa P50 kada kilo ng bigas at asukal; at P90 hanggang P100 kada kilo ng manok.

Iginiit pa ng kagawaran na dapat magbaba ng presyo ang ilang mga kumpanya lalo na sa mga produktong condensed milk, de lata at iba pang nagtaas ng presyo noong Christmas season.

Masaya namang ibinalita ni Lopez na walang masyadong epekto ang ikalawang bugso ng excise tax sa petrolyo sa mga presyo ng bilihin.

Matatandaang pinangangambahan ng ilang grupo na dahil sa mas mataas na buwis sa langis ay tataas ang presyo ng mga bilihin.

TAGS: Department of Trade and Industry (DTI), petroleum excise tax, Trade Secretary Ramon Lopez, Department of Trade and Industry (DTI), petroleum excise tax, Trade Secretary Ramon Lopez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.