DOH: Walang outbreak ng meningococcemia sa bansa
Pinabulaanan ng Department of Health (DOH) ang mga kumakalat na ulat sa social media na may outbreak ng meningococcemia sa bansa.
Sa isang pahayag araw ng Huwebes, sinabi naman ng DOH na iniimbestigahan nila ang hinihinalang kaso ng meningococcemia sa Valenzuela matapos magpakita ang isang dalawang taong gulang na bata ng mga sintomas ng sakit.
Kumuha na ng laboratory samples ang DOH at hinihintay na lang ang resulta ng kanilang pagsusuri.
Binabantayan din umano ang mga tao na nagkaroon ng close contact sa pasyente.
Nauna nang sinabi ng pamahalaang panlungsod ng Valenzuela sa isang social media post na negatibo sa pagsusuri ang hinihinalang kaso ng sakit sa kanilang lungsod.
Kadalasang tumatama ang meningococcemia tuwing malamig ang panahon at napapasa sa close contact sa mga taong nagtataglay nito.
Kapag pinabayaan ay nagreresulta ito sa organ failure, severe disability at pagkamatay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.